Humiling si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ng karagdagang panahon para tapusin ang problema sa iligal na droga.
Umapela si Duterte na bigyan pa siya ng isang taon para tuldukan ang suliraning ito ng bansa.
“Basta sabi ko hope to finish the problem maybe give me just another year. Babalik ang pulis, sumama na sila. Basta ako, tatapusin ko sila. Doable yan,” sabi ni Duterte.
“My request is very simple. Do not destroy my country. Do not destroy the young,” dagdag pa niya.
Kahapon ay pormal nang pinabalik ni Duterte ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya kontra iligal na droga.
Kinumpirma naman ni PNP Spokesman Dionardo Carlos na ibabalik ang Oplan Tokhang ngayong muli silang pinayagan ng pangulo na magsagawa ng anti-drug operations.
Giit naman ni PNP Chief Bato dela Rosa bago isagawa ang pagbabalik ng Oplan Tokhang, gumamit ng mga body cam. Inulan kasi ng batikos mula sa mga human rights group ang war on drugs ng administrasyon.
Ang ilang operasyon daw kasi ng PNP, nauuwi sa pagpatay at paglabag sa karapatang pantao.
“‘Yung bagong instructions ni CPNP, use of the body cam. Ano nangyari. Unadulterated video footage. Next let’s go full speed ahead with extreme caution to lessen casualties,” pagbabahagi ni Carlos.
Binanatan din ng pangulo na painumin ng valium ang mga walang tigil na bumabatikos sa kanya.
“Yung may mga may tama, itong human rights, bilhan mo ng medesina na pangkalma, mga valium,” sabi ni Duterte.
Kabilang ang iligal na droga sa mga pangakong tatapusin ni Duterte sa loob ng anim na buwan noong siya’y nangangampanya pero hindi ito nangyari.
Souce: NEWS5
No comments:
Post a Comment