BAGONG POSISYON? | Sen. Gringo Honasan, posibleng maging susunod na DICT Secretary - Blog News Information

A News Website in the Philippines that gives Reliable Information and Latest Topics About Politics, Entertainment, News, Showbiz and other Trending Topics.

Wednesday, December 6, 2017

BAGONG POSISYON? | Sen. Gringo Honasan, posibleng maging susunod na DICT Secretary



“I will neither confirm or deny,” ang sagot ni Sen. Gringo Honasan sa balitang siya raw ang susunod na itatalaga ng Palasyo bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).


Ayon sa senador, mayroon pa siyang termino sa Senado na dapat tapusin.
Muling nahalal bilang senador si Honasan noong May 2013 elections at matatapos ang kanyang termino sa Hunyo 2019.
Pero malaman ang sagot niya nang tanungin kung tatanggapin ito kung ialok sa kanya pagkatapos ng kanyang termino.
Giit niya, mahirap daw para sa kanya na tumanggi sakaling mayroon siyang matanggap na tawag ng paglilingkod sa bayan.
“We will cross the bridge when we get there,” ani Honasan.
Kasalukuyang bakante ang posiyon bilang kahilim ng ahensya matapos magbitiw sa puwesto si Rodolfo Salalima noong Setyembre.
Graft Charges vs. Honasan
Isa si Honasan sa apat na senador na nakasuhan kaugnay ng PDAF scam.
Noong Agosto, kusang loob siyang sumuko matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya kaugnay ng maanomalyang paggamit nito ng halos P30 milyong pork barrel noong 2012.
(READ: PANSAMANTALANG KALAYAAN | Sen. Honasan, sumuko sa pulisya at nagpiyansa sa kasong graft)




Agad din siyang binigyan ng release order matapos mag-piyansa.
Una nang humarap sa kasong plunder at graft kaugnay ng PDAF scam sina dating Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.
Kusang-loob na sumuko si Senador Gringo Honasan matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya kaugnay ng maanomalyang paggamit nito ng halos P30 milyong pork barrel noong 2012.
Dakong alas-syete ng umaga sumuko ang senador sa harap nila PRO4A Calabarzon PNP Director CSupt. Ma. O Aplasca at iba pang opisyal ng pulisya sa Biñan City PNP.
Sinasabing nagtungo sa naturang himpilan si Honasan kasama ang kanyang abogado na si Atty. Dennis Manalo kasunod ang isinagawang iba’t ibang proseso sa kaso.
Sumailalim ang senador sa mugshot, blood pressure test, buccal swab, at finger prints bago dumiretso sa Biñan Regional Trial Court (RTC) Branch 25.  Sa ilalim ni Judge Teodoro Solis, naglagak si Honasan ng piyansa na umabot sa P60,000 para sa two counts of graft na inihain laban sa kanya.
Matapos nito, agaran naman nilagdaan ng huwes ang Release Order para sa pansamantalang kalayaan ng senador.
Si Honasan ang ika-apat na senador na nakasuhan kaugnay ng PDAF scam.  Kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder at graft sina dating Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Source: News5

No comments:

Post a Comment