Nagbigay ng reaskyon Ang dating CBCP President at dating Archbishop Emeritus Oscar Cruz, na ang dating administrasyon ay walang nagawa ,kaya naman mataas ang tingin o pagtanggap ng maraming pilipino ngayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging reaksyon ni Cruz matapos manguna si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang online poll para sa "100 most influential people 2017" ng TIME Magazine.
Sa kabila ng mga isung binabato sa Pangulo , isa na dito ang extrajucial killings o (EJK) na may kinalaman sa maigting ng kampanya kontra iligal na droga ng Pangulo.
Batay sa inilabas ng TIME magazine, nanguna si Pangulong Rodrigo Duterte na may 5 percent sa kabuuang “yes” votes habang kasunod sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Microsoft co-founder Bill Gates at Facebook founder Mark Zuckerberg na pare-parehong nakakuha ng 3 percent.
Inamin ng TIME na malaking bagay sa nakuhang boto ni Pangulong Duterte ang kontrobersyal nitong kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas.
Pinuri naman ni Cruz ang Pangulo dahil sa kanyang mahusay na hangarin para ikakabuti ng bansa.
dagdag ni Cruz , "hindi man anghel ang pangulo ay mabuti ang kanyang mga layunin na malinis ang lipunan, mawala ang krimen at droga sa bansa."
Naniniwala din si Cruz sa Pangulo na wala sa isip nito ang mangurakot at gumawa ng katiwalian
Source|24sevendailynews
No comments:
Post a Comment