HINDI NAGTUTUGMANG MGA PAHAYAG NI TAN | Sen. Gordon: Sabi mo sa affidavit mo insulator machines ang laman, bakit ngayon for printing? - Blog News Information

A News Website in the Philippines that gives Reliable Information and Latest Topics About Politics, Entertainment, News, Showbiz and other Trending Topics.

Wednesday, August 9, 2017

HINDI NAGTUTUGMANG MGA PAHAYAG NI TAN | Sen. Gordon: Sabi mo sa affidavit mo insulator machines ang laman, bakit ngayon for printing?





Muling pinuna ni Sen. Richard Gordon ang palpak na sistema umano ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpapatuloy ng pagdinig tungkol sa P6.4-B shabu shipment na nakalusot sa “green lane” ng ahens



“Ang patakaran sa Customs medyo marupok, palpak! We want to know the real consignee of the drugs here in the Philippines,” sabi ni Sen.Gordon Unang sumalang sa pagdinig si Richard Chen o kilala ring “Richard Tan,” ang may-ari ng Hongfei Logistics warehouse sa Valenzuela kung saan nasabat ng NBI ang shabu shipment noong May 26, 2017. May-ari rin si Tan ng apat na courier companies sa China na nangongolekta ng mga kargamentong ipinapadala sa Pilipinas.



Kinumpirma ng interpreter ni Tan na natanggap nila ang shabu shipment mula sa BOC noong May 24.



Richard Tan’s interpreter: “Shabu shipment arrived in his (Hongfei) warehouse on May 24 around 7AM” Sen. Gordon: “So it came out of Customs May 24 in the morning?” Richard Tan’s interpreter: “Not sure what time na-release sa Customs” Hindi raw alam ni Tan na may shabu sa kargamento hanggang sa tawagan siya ng isang opisyal ng Chinese Customs para sabihing kaduda-duda ang shipment at nahuli na ang mga suspek sa pagpapadala nito. Ito raw ang dahilan kaya hindi agad binuksan at ipinamigay ni Tan ang laman ng shipment. Inutusan daw siya ni Mr. Wang Xi Dong ng Xiamen, China Customs Police na makipag-ugnayan sa kanyang “Philippine counterparts” na napag-alamang mga taga-BOC. “Chinese customs wasn’t sure na may drugs pero ang purpose ng phone call is to inform the Phil. customs about the suspicious items,” sabi ng interpreter ni Tan Inakala pa ni Tan na “for printing purposes” ang laman ng kargamento, bagay na nakitaan ng butas ni Sen. Gordon. Mukhang nagsisinungaling daw si Tan dahil ang nakalagay sa kanyang affidavit ay hindi “for printing purposes” kundi “insulator machines” ang inakala niyang nasa loob.



“Sabi mo sa affidavit mo insulator machines ang laman, bakit ngayon for printing?” sabi ni Gordon kay Tan May 25 nang buksan daw nila ang shipment kasama ang ilang taga-BOC at tumambad na ang nasa 600 kilo ng shabu. Nagisa rin si Tan nang itanggi niyang kilala niya si Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Kataka-taka raw kasi na hindi niya kilala ito gayong may larawan silang magkasama pa. Pero paglilinaw ni Tan, nakilala lang niya si Faeldon noong May 25 at nagpakuha lang sila ng litrato bilang ebidensya para ipakita sa Customs ng China na ligtas siya. Richard Tan’s interpreter: “Hindi niya kilala pero nagpicture sila kasi nag-ask yung custom of China as evidence” Sen. Gordon: “Hindi mo kilala eh nakatawa ka diyan? “ Richard Tan’s interpreter: “Nakilala lang niya noong May 25 evening” Kinumpirma rin ni Tan na pinauwi niya ang kanyang misis sa China para humingi ng tulong sa gobyerno. Ginawa raw niya ito para patunayan sa China na wala siyang kinalaman sa shabu shipment. Nakitaan ulit ng “inconsistency” ni Sen. Gordon ang sinabi ni Tan dahil ayon sa affidavit nito, pinauwi niya ang kanyang misis dahil sa takot sa drug triad at nangangamba siya para sa kanyang buhay.



Sen. Gordon: “Di ba totoong pinauwi mo yung asawa mong Chinese sa China bago mangyari ito?” Richard Tan’s interpreter: “He asked his wife to go to China to seek the help of the custom of China” Sen. Gordon: “Pero sabi niya pinauwi niya because he feared for the safety of his life?! Kasi sabi mo sa affidavit mo takot ka sa drug syndicate?” Napuna rin ni Sen. Gordon ang pagkakaiba sa impormasyon tungkol sa “phone call” sa pagitan nina Tan at ilang opisyal ng BOC. Sinabi kasi ni Tan sa pagdinig na si Stanley Pascual, translator ng BOC, ang tumawag sa kanya; pero batay sa affidavit ay si BOC Intelligence and Investigation service Chief of Staff Neil Estrella ang tumawag.

No comments:

Post a Comment