Autopsy report kay Ozamiz mayor Parojihog inilabas na - Blog News Information

A News Website in the Philippines that gives Reliable Information and Latest Topics About Politics, Entertainment, News, Showbiz and other Trending Topics.

Thursday, August 3, 2017

Autopsy report kay Ozamiz mayor Parojihog inilabas na









Sa autopsy report na inilabas ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory Region 10, sinasabing nagtamo ng mga blast injuries ang mga Parojinog na namatay sa isinagawang raid noong ika-30 ng Hulyo. Sa ulat ng Bombo Radyo, sinabi umano ni PNP Crime Laboratory Region 10 Chief Sr. Supt. Leocy Mag-Abo na ang sanhi ng pagkamatay ni Board member Octavio Parojinog at kapatid na si Mona Parojinog ay blast injuries. Wala silang tama ng bala, ayon sa awtopsiya. Taliwas ito sa naunang pahayag ng isang saksi na binaril umano si Octavio nang yakapin nito ang kapatid na si mayor Reynaldo Parojinog na babarilin daw ng pulis. Si Mayor Parojinog ay nagtamo naman ng tama ng bala sa dibdid at mukha, samantalang ang kanyang asawang si Susan ay may tama ng bala sa kaliwang mata na tumagos sa likod ng ulo nito. Wala umanong nakita ang PNP Crime Lab na “smudging” o “sooting” sa mga sugat ng mag-asawang Parojinog; palatandaan na hindi sila binaril nang malapitan katulad ng mga naunang napaulat. Natagpuan din na nakasabit pa sa isang daliri ni Vicente Torregoza, bodyguard ng mayor, ang grenade pin na pinaniniwalaang sumabog sa loob ng bahay ng mga Parojinog na sanhi naman ng pagkaputol ng dalawang paa ng bodyguard.

No comments:

Post a Comment