House speaker Arroyo | Mga distritong apektado ng kalamidad, tutulungan ng Kamara - Blog News Information

A News Website in the Philippines that gives Reliable Information and Latest Topics About Politics, Entertainment, News, Showbiz and other Trending Topics.

Wednesday, July 25, 2018

House speaker Arroyo | Mga distritong apektado ng kalamidad, tutulungan ng Kamara






Pormal nang hinirang ng mga kongresista bilang bagong lider ng Kamara de Representantes nitong Lunes ng gabi ang dating pangulo at ngayo'y Pampanga Representative na si Gloria Macapagal Arroyo..
.
Matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagpatuloy ang sesyon ng Kamara para ideklara si Arroyo bilang kapalit ni dating Speaker Pantaleon Alvarez (Davao Del Norte).

Sa 238 kongresista na dumalo sa sesyon, 184 ang bumoto para gawing bagong lider ng Kamara si Arroyo, at 12 naman ang hindi bumoto.

Sa pagkakahalal ni Arroyo bilang Speaker, siya ang kauna-unahang babae at dating pangulo na naging lider ng Kamara.

Bago nito, si Arroyo rin ang unang babae na naging Bise Presidente ng bansa noong termino ni dating Pangulong Joseph Estrada, alkalde na ngayon ng Maynila.

Naantala ang pagkakahalal kay Arroyo bilang Speaker nitong Lunes ng umaga nang may mag-mosyon na kongresista na suspindihin ang sesyon para sa gaganaping SONA ni Duterte dakong 4:00 pm.

Pero nagpatuloy ang mga kaalyado ni Arroyo na magdaos nang sesyon kahit walang audio sa plenaryo at wala ang "mace," na simbolo ng awtoridad ng Kamara at opisyal ang isinasagawang talakayan ng mga mambabatas sa plenaryo.

Nagkaroon pa ng pagkakataon na "nanumpa" si Arroyo bilang Speaker kahit walang audio sa plenaryo bago idaos ang SONA.

Dahil sa nangyari, naantala ang SONA ni Duterte ng isang oras at si Alvarez pa rin ang kinilalang Speaker sa idinaos na Joint Session ng Kamara at Senado.

Pero matapos ang SONA, nagpatuloy ang sesyon na nawawala pa rin ang "mace" bagaman mayroon nang audio sa plenaryo.

Pagkaraan pa ng ilang sandali, nakita na ang "mace" at isinagawa ang opisyal at pormal na proseso sa pagdeklara at panunumpa kay Arroyo bilang bagong lider ng Kamara.

source: GMA

No comments:

Post a Comment