WHAT’S THE PROBLEM? | PNP Chief Dela Rosa, ipinagtanggol ang pagtalaga sa isang pulis-Davao sa QCPD Station 6 - Blog News Information

A News Website in the Philippines that gives Reliable Information and Latest Topics About Politics, Entertainment, News, Showbiz and other Trending Topics.

Thursday, December 21, 2017

WHAT’S THE PROBLEM? | PNP Chief Dela Rosa, ipinagtanggol ang pagtalaga sa isang pulis-Davao sa QCPD Station 6


Ipinagtanggol ni Philippine National Police chief Director General Ronald Dela Rosa ang pagkakatalaga kay Police Superintendent Lito Patay bilang hepe ng Station 6 ng Quezon City Police District.

Si Patay ang opisyal na pinuno umano ng tinaguriang “Davao Boys,” ang grupong nabanggit sa special investigative report ng international news agency na Reuters na dinala sa nasabing istasyon para sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Pag-amin ni Dela Rosa, siya mismo ang nagtalaga kay Patay sa QCPD Station 6.

“I was the one who assigned Col. Patay sa Station 6. Dahil sa assessment namin dito sa buong Metro Manila, iyan ‘yung area na Station 6, iyan ‘yung [may] pinakamabigat na problema sa droga. Mga tao diyan, aminado sila,” paliwanag ni Dela Rosa sa panayam sa media kahapon.


VIA NEWS5’S JEFF CAPARAS | PNP Chief Ronald Dela Rosa nang makapanayam ng media kahapon.

“So pinadala ko si Col. Patay doon to address the problem.”

Pero pagdating sa pagpili ng tauhan o kung paano tutugunan ni Patay ang problema sa droga sa Station 6, hindi na raw ito pinakialaman ni Bato.

“Call na niya kung ano diskarteng gagawin niya doon, paano niya trabahuhin yung problema sa droga doon sa Station 6.”

Sabi pa sa Reuters report, sa lahat ng istasyon sa Quezon City, ang station 6 ang may pinakamaraming napatay sa kanilang anti-drug campaign.

Mula July 2016 hanggang June 2017, nasa 108 na drug suspect ang nasawi sa ilalim ng nasabing istasyon. Katumbas ito ng 39% ng lahat ng napatay sa buong lungsod.


VIA REUTERS | Screenshot ng special investigative report tungkol sa tinaguriang “Davao Boys” ng QCPD Station 6. I-click para mapunta sa nasabing report.

Pero tanong ni Dela Rosa, “What’s the problem?”

“Ang pinakamatinding problema sa droga ay nandiyan sa area ng Station 6. So if you hit the problem head on, you face the problem head on, then magkakaroon talaga ng maraming mamamatay, di ba?” giit ni PNP Chief. 


VIA GOOGLE MAPS | Screenshot ng street view ng facade ng QCPD Station 6 sa Batasan, Quezon City.

Kasunod nito, binatikos ni Bato ang mga nagbibigay aniya ng malisya sa pagiging taga-Davao ni Patay.

Aniya, gusto lang daw ng mga kritiko na idiing may utos sa mga pulis na pumatay.

Nanindigan si Dela Rosa na ang mga namatay sa anti-drug operations ay mga suspek na nanlaban sa mga otoridad.

“Nilagay siya [Patay] diyan para i-address ang problema ng droga. Hindi iyong patayin yung sinong mga dapat patayin. Kung lumaban, alangang magpakamatay ka? Lumaban ka. Pulis ka eh,” paliwanag ni Dela Rosa.

“What’s so significant about that? Porke’t isang taga-Davao [ang] inassign diyan, gagawan na ng storya na inutusan na pumatay nang pumatay? Wow. Napaka-incredible ng storya ninyo. Sino gumawa ng stroya na iyan?”


VIA REUTERS | QCPD Station 6 Commander Police Superindentent Lito Patay.

Ayon pa sa hepe ng PNP, malaki ang tiwala niya kay Patay na naging tauhan niya noon sa Compostela Valley.

Inilarawan pa niya si Patay bilang taong handang harapin ang pronblem at “hindi isang opisyal na puro pera-pera na lang.”

“I know he’s a dedicated officer. Talagang magtatrabho iyan at magde-deliver,” pagmamalaki ni Bato.

Sa ngayon ay inilipat na sa CIDG Region III si Patay para ma-promote sa ranggong senior superintendent.

“He has to move… Para mabigyan siya ng tyansang ma-promote.”

Source: News5

No comments:

Post a Comment