Baka ma-demoralize daw ang mga rank and file employees ng gobyerno sa pag-apruba ng kongreso at senado sa dagdag-sahod ng mga uniformed personel tulad ng sundalo at pulis, sabi ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio.
Base sa ulat ng Radio Mindandao Network, ikinumpara raw ni Tinio ang sahod ng mga karaniwang nagtatrabaho sa pamahalaan sa sweldo ng isang bagong Philippine Military Academy (PMA) graduate. Paglilinaw ni Tinio, alam naman daw niya ang hirap ng trabaho ng mga uniformed personnel tuland ng mga pulis at militar, pero dapat din daw mapansin ang sakripisyo ng mga karaniwang government employees.
No comments:
Post a Comment