Arestado ang isang lalaki matapos umano'y paglaruan ang kanyang ari sa harap ng isang babaeng pulis sa loob ng isang pampasaherong bus sa Quezon City nitong Linggo ng hapon.
Sa ulat sa radio dzBB, nakilala ang suspek na si Ching Carreon, 34, empleyado ng Maynilad.
Sakay si Carreon ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa Barangay Balingasa nang ilabas umano nito at paglaruan ang kanyang ari sa harap ng isang babae at dalawa niyang babaeng anak.
Nagkataon naman na ang naturang babae ay si Police Officer 2 Marites Ramos ng Women and Children's Desk ng Manila Police District Station 10.
Ayon kay Ramos, napansin na nila si Carreon na panay ang kalikot sa kanyang shorts sa mismong tapat ng kanyang ari. Nagulat na lamang sila ng umano'y ilabas ni Carreon ang kanyang ari.
Agad na kinumpronta ni Ramos ang suspek. Nagkataon na may nagpapatrulyang mga tauhan ng Quezon City Police District Station 1 kaya agad niyang ipinaaresto ang suspek.
Sa presinto, itinanggi ni Carreon na tangka niyang bastusin ang babaeng pulis at mga anak nito. Dahilan niya, nagkakamot lamang siya dahil may buni umano ang kanyang ari.
Katwiran ng suspek, nagkakamot lang daw sya sa loob ng bus dahil may "buni" ang kanyang ari pic.twitter.com/VAXq6AQVFw— Luisito Santos (@luisitosantos03) December 3, 2017
Hahaha! Stupidong katwiran. Kulong ka bugok!
ReplyDelete