Dinepensahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pahayag kamakailan kaugnay sa kanyang utos sa mga kapulisan at sundalo na barilin agad ang mga armadong NPA kapag nakita ito.
Ito ay matapos kontrahin ng iilang grupo at ni Bise Presidente Leni Robredo ang pahayag ng Pangulo. Ayon kay Robredo, wala raw sa kontitusyon na nagsasabing ligal ang pumatay.
“Parang hindi naman ganoon iyong sinasabi ng Konstitusyon natin at mga batas na nandiyan. Ang sinasabi ng ating mga batas, na kapag mayroong nagkasala, mayroong proseso para alamin kung totoo ba iyong paratang, at mayroon namang nararapat na penalidad sa mga paratang,” ani Robredo.
Nilinaw ni Roque na nakasaad mismo sa International Humanitarian Law na hindi bawal ang pumatay lalo na kung mga armadong tao ang nakakasagupa ng mga pulis o militar.
“Hindi po bawal ang pumatay. Ang bawal pumatay kapag yung tatargetin mo ay yung tinatawag na non-combatants; yung mga civilian, mga religious workers, mga humanitarian workers.” saad nito.
“Kung meron NPA na armado hindi po labag sa batas na patayin yan. Dahil ang armadong NPA ay banta sa pagkatao at sa karapatang mabuhay ng ating kasundaluhan. Iba po ang usapin kung natutulog yan in which case may debate po.” dagdag pa nito.
Source: pinoyscooper
No comments:
Post a Comment