Nagulat ang director ng Philippine General Hospital sa tawag na kanyang natanggap mula sa Secretary ng ating Pangulo na si Christopher Bong Go. Ibinalita nya na nais tumulong ni Pangulong Duterte sa mga pasyente ng PGH at ito ay magbibigay ng P100 milyon. Ang isang daang milyon sa isang buwan ay marami ng matutulungan at maisasagip na buhay.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang kabutihan ng ating Pangulo dahil ang halagang P100 milyon ay ibibigay kada buwan sa nasabing hospital. Tumanggi ang Pangulo sa pagpapangalan ng nasabing programa dahil ito ay hindi nanggaling sa kanya at talagang nakalaan ito para sa mahihirap na pasyente na hindi kayang bayaran ang mga bayarin sa pagpapagamot.
Iniabot ng Pangulo ang tseke na nagkakahalaga ng P100 million kay Dr. Gerardo Legaspi sa kanilang pagpupulong sa Malacañang. Ang halagang ito ay para sa mga pasyenteng walang kakayahang magbayad ng mga gastusin at pantustos sa hospital kabilang na dito ang mga medical procedures at treatments na kinakailangan. Naroon din sa pagpupulong sina Dr. Ireneo Quiron ng PGH Fiscal Services, Deputy Executive Secretary for Finance and Administration Rizalina Justol, at Special Assistant ng Pangulo na si (SAP) Christopher Bong Go.
Sa ngayon ay marami ng pasyente ang nakapagpatunay na wala silang binayaran sa Philippine General Hospital at talagang libre na sa PGH. Wagas ang pagmamahal ng ating Pangulo sa mahihirap sa bayan at sa Pilipino, maraming buhay ang maliligtas at maraming mahihirap ang matutulungan sas halagang ito.
Source: pinoyscooper
Source Video: witbloc
No comments:
Post a Comment