GENERAL SANTOS CITY - Patay ang dalawang miyembro ng New Peoples Army o NPA matapos nakigpagbakbakan sa mga tropa ng 73rd Infantry Battalion, Philippine Army sa Sitio Basyawan at Sitio Balataan, Barangay Pag-asa Alabel, Sarangani Province, Biyernes ng umaga.
Ayon kay Col. Roberto Ancan, commander ng 1002nd Brigade, Philippine Army nagkasalubong ang NPA at militar ng nirespondihan ng mga tropa ng gobyerno ang report na umanoy terroristic activities ng mga NPA sa lugar.
Aabot sa 15 mga NPA members ang nakasagupa ng mga sundalo na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang miyembro ng NPA makalipas ang isang oras na bakbakan.
Walang nasugatan sa panig ng mga sundalo subalit pinaniniwalaan nga may mga sugatan pa sa mga NPA.
Ayon kay Col. Ancan nakarekober din sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang AK-47 rifle, dalawang armalite rifle at isang garand rifle, mga dokumento at flag ng New Peoples Army.
Nasa punerarya na ng Alabel, Sarangani Province ang hindi pa kilalang mga nasawing NPA member at hinihintay na lamang makuha ng kanilang pamilya. Joseph Reyes
Video courtesy: Isagani Coronel Pigar
No comments:
Post a Comment