Nararapat daw palawigin ang implementasyon ng batas militar sa Mindanao. Iyan ang opinyon ni Task Force Bangon Marawi Chairperson Eduardo del Rosario.
Sa katapusan ng taong ito nakatakdang bawiin ang martial law pero para kay del Rosario, mas mainam kung ipagpapatuloy ito habang patuloy ang rehabilitasyon sa lugar.
“Personally, I would like martial law to continue during the rehabilitation phase because as chairman of Task Force Marawi, my main concern is the security of the whole security effort. Just imagine if something will happen in Marawi City during the rehabilitation phase, baka wala nang pumuntang mga contractors at laborers,”sabi ni del Rosario.
Hindi lang rehabilitasyon ang problema sa Marawi. Hanggang ngayon kasi, tuloy pa rin daw ang malawakang pag-recruit ng mga terorista sa Mindanao.
Ayon pa kay del Rosario, pinapangakuan daw ang bawat recruit na bibigyan ng P100,000.
Kaya naman maging si ARMM Assembylman Zia Alonto Adiong, pabor sa extension ng martial law.
“As a local, I would say that the end of the war does not necessarily mean the normalcy of the peace and order situation. Actually, we’ve been saying this all along, the crisis will really start after the war,” sabi ni Adiong.
“I think the necessity of maintaining martial law dictates that kailangan talaga dahil may package of recruitment na nangyayari diyan surrounding the lake,” dagdag pa niya.
Suportado rin ni Senador JV Ejercito ang extension ng martial law.
“Martial Law has prevented movement of private armies, so warlords cannot really “lord” it over. And also, it’s about time that the thousands of loose firearms in Mindanao be accounted for,” sabi ni Ejercito.
Naniniwala naman si House Minority Leader Danilo Suarez na dapat ibigay sa militar ang desisyon dahil sila ang totoong nakakaalam ng sitwasyon.
Si Senador Ralph Recto naman, gustong malaman ang paliwag kung bakit kailangang i-extend pa ang martial law sa Mindanao. Hindi raw kasi niya sigurado kung dapat bang palawigin ang batas militar dahil sa rehabilitation efforts.
Kung tuloy-tuloy naman daw ang laban sa terorismo ay titignan daw nila kung dapat pa nga bang i-extend ang martial law.
Source: News5
No comments:
Post a Comment