Nakatakdang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing Philippines National Police (PNP) Chief General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Bureau of Corrections (BoC).
Sa gitna na rin ito ng una nang napaulat na magreretiro ang PNP chief bago pa man nito maabot ang kanyang mandatory retirement age na 56 sa January 21 sa susunod na taon.
Hindi naman sinabi ni Pangulong Duterte kung kailan niya itatalaga si Gen. Dela Rosa bilang bagong pinuno ng BuCor.
Sa ngayon, officer-in-charge ng BuCor matapos maghain ng kanyang irrevocable resignation si dating Director General Benjamin Delos Santos noong Hulyo 13 dahil sa aniya’y muling pamamayagpag ng droga sa New Bilibid Prisons.
No comments:
Post a Comment