Nawawala ngayon ang isang limang-taong gulang na babae sa Famy, Laguna matapos iwanan ng lasing niyang ama sa gubat bilang parusa.
Sa Unang Balita nitong Miyerkoles, kinilala ang ama na si Felipe Eranzo.
Una munang iniulat ni Eranzo sa pulisya ang pagkawala ng kanyang anak, ngunit hindi agad inamin na sadyan iniwan niya ang bata.
Sa bandang huli, umamin din si Eranzo na nang makauwi sila ay binatukan niya ang kanyang anak at dahil sa lakay ay nawalan ito ng malay.
Sinabi rin ni Eranzo na pagkatapos ng insidente ay dinala niya ang bata sa gubat at iniwan.
Nagsasagawa na ng malawakang paghahanap ang mga lokal na awtoridad sa bata.
Nakakulong na si Eranzo at nahaharap sa kasong child abuse
Source: GMA
No comments:
Post a Comment