Nagbigay ng nasa P210 milyong halaga ng patrol vehicles at kagamitan ang gobyerno ng Japan sa Philippine National Police (PNP) para mas mapaigting ang counter-terrorism at public security capabilities ng pambansang pulisya. Pinangunahan ni Japanese ambassador Koji Haneda ang ceremonial turnover ng 87 Mitsubishi Montero at 13 Nissan Urvan vehicles sa PNP head quarters kahapon sa Camp Crame na ipamimigay sa police stations sa Metro Manila, Cebu, Davao, Zamboanga.
Ipapakalat umano ang 36 ng mga sasakyan sa mga police districts sa Metro Manila habang ang 28 ay para sa mga istasyon sa Northen Mindanao. Makakatanggap din ng tig limang patrol vehicles ang Police Security Protection Group at Highway Patrol Group habang magkakaroon ng dalawang patrol car ang PNP Directorate for Intelligence.
Maliban dito, nakatanggap din ng 400 bulletproof vests, 400 ballistic helmets, anim na ballistic shields, at anim na bomb suits ang pambansang pulisya. Pinasalamatan naman ni PNP Chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa ang Japan para sa maagang pamasko nito sa PNP. Kasabay nito, nagbabala naman ang PNP chief sa mga pulis na huwag gamitin ang mga donasyong sasakyan para sa kanilang mga personal na interes.
No comments:
Post a Comment