Dalawang taon nagtrabaho bilang manggagawa sa konstruksiyon si Benny Gonzales.
Subalit nadala ito kaya naghahanap na siya ng panibagong bansa kung saan siya maaaring makakuha ng trabaho.
"Ayaw ko na sa Saudi, medyo delay[ed] ang suweldo ... hahanap na lang ako ng ibang bansa, 'yong medyo maganda," ani Gonzales.
Maraming oportunidad para sa mga tulad ni Benny sa bansang Japan.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nasa 5,841 ang job order sa Japan.
JOB ORDERS SA JAPAN SALARY
- Construction Worker --- P48,109 kada buwan
- Electrical/Electronics --- P38,022 kada buwan
- Farmers --- P47,826 kada buwan
- Operators Machine/Factory Worker --- P43,657 kada buwan
- Housekeeper --- P76,365 kada buwan
- Welder --- P38,022 kada buwan
- Painter --- P57,332 kada buwan
- Construction Worker --- P48,109 kada buwan
- Launderers/Dry Cleaners --- P44,695 kada buwan
Maganda ang sahod na hindi bababa sa P38,000 na maaari pang lumagpas ng P70,000 depende sa posisyon.
Ayon kay Jocelyn Sanchez, deputy administrator ng POEA, posibleng kailangan ng mas maraming manggagawa ng Japan dahil sa dami ng impraestrukturang kailangang ipatayo para sa 2020 Olympics.
San Marino
Para naman sa mga healthcare professional, mayroong posibilidad na magpadala ng mga nars at caregiver sa bansang San Marino.
Ang San Marino'y isa sa pinakamaliit na bansa sa mundo. Napapaligiran ito ng bansang Italya at mas maliit pa sa Quezon City.
Pero kahit maliit na bansa, ika-11 ito sa pinakamayaman sa buong mundo ayon sa ulat ng Fortune, isang business magazine.
Ayon kay Sanchez, mahalaga na magkaroon ng bagong lugar na puwedeng pagpadalhan ng mga manggagawa dahil malaki umano ang suplay ng nars sa Pilipinas.
Isang komite ang binuo ng Department of Labor and Employment para pag-aralan ang posibleng pagpapadala ng mga Pinoy healthcare worker sa San Marino.
Source: Zen Hernandez , GMA News
No comments:
Post a Comment