WATCH | ABS-CBN Reporter Chiara Zambrano, Umalma! Di namin trabaho pabanguhin ang imahe ng gov't - Blog News Information

A News Website in the Philippines that gives Reliable Information and Latest Topics About Politics, Entertainment, News, Showbiz and other Trending Topics.

Wednesday, November 8, 2017

WATCH | ABS-CBN Reporter Chiara Zambrano, Umalma! Di namin trabaho pabanguhin ang imahe ng gov't



Umalma ang ABS-CBN reporter na si Chiara Zambrano sa request ni PCO Assec. Mocha Uson na mai-reclassify ang Rappler bilang social media, imbis na sa mainstream media ito nakahanay. Ayon kay Zambrano, ito raw ay tangkang pagbubusal sa malayang pamamahayag.



"Mga bata, ganito ang itsura kapag sinusubukang kontrolin ng pamahalaan ang mga kilos at galaw ng mga lehitimong mamamahayag. Nakakainis nga naman siguro pag kinokontra ka palagi, pag hindi kinakagat ang mga alok mong propaganda, at binabasag lagi ang iyong trip. Eto lang po kasi ang problema: bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto mong propaganda, o ipromote ang trip mo. Ang trabaho naming lahat, hindi lang ng Rappler, ay walang humpay na pagmamatyag sa mga kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan. Ilabas kung ano ang mali, sino ang mali, ipaliwanag kung bakit. Ipagbunyi ang gumagawa ng tama, para pamarisan. Ilatag lahat sa taongbayan, para sa oras na kailangan niyong pumanig, tumindig, magdesisyon, kabisado na ninyo at kaya na ninyong panindigan ang sarili ninyong desisyon. Hindi ito kagagawan ni Mocha. Hindi siya ganyan magsulat. Ang nakikita natin ngayon ay ang kanilang makinaryang gumagalaw. Hindi rin nila ito pwedeng maliitin at palabasing "housekeeping" measure lang, kasi wala naman sa ating pinanganak kahapon. Ito talaga ay tangkang busalan ang isang lehitimong grupo ng mga mamamahayag. Kaso, bukod sa medyo palyado yung logic at premise ng buong kilos na ito, hindi po talaga pwede yun eh. "No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press..." Hindi ko yan inimbento, merong tinatawag na 1987 Philippine Constitution, kung saan naka-base, nakatuntong, at umiikot ang lahat ng ating mga batas." sabi ni Zambrano sa kanyang Facebook post.
Ang problema sa reklamo ni Zambrano ay hindi balak busalan ng gobyerno o ni Assec. Uson ang Rappler. Ang intensyon ng request ni Uson ay maihanay bilang social media ang Rappler dahil wala ito sa dyaryo, radyo at television. Ang rappler ay mayroon lang website, Facebook at Twitter.
Supalpal tuloy ang inabot niya sa mga netizens sa sarili niyang post. Next time kasi hasain muns ang reading comprehension bago mag-react.











Source: www.citizenexpress.today

No comments:

Post a Comment