Sa kanyang tweet, sinabi niyang “Murderous dictator” si Duterte at hinarana si Trump ng isang Pinoy love song. Binanggit pa niya ang isang “Vlad” o maaaring si Russian President Vladimir Putin na tila inaagaw sa kanya si Trump.
Agad namang rumesbak ang mga Pinoy supporters ni Pangulong Duterte.
Mayroong nagsabing dapat daw mag-research muna ang singer bago i-bash ang pangulo.
May sumagot namang nakadidismaya raw ang sinabi ni Midler lalo na’t wala naman siyang matibay na ebidensya.
Mayroon namang nagtanggol na hindi raw kinukunsinti ng pangulo ang mga patayan. Sa katunayan, tinanggal o sinuspinde na ang mga pulis na sangkot sa walang habas na pagpatay sa mga biktima.
Sa ASEAN gala dinner sa SMX Convention Center noong Linggo, sinabayan ni Pangulong Duterte si Pilita Corrales na kumanta ng “Ikaw” matapos umanong siyang hiritan ni US President Donald Trump.
Source: TV5news
No comments:
Post a Comment