BREAKING NEWS | 14 na hinihinalang miyembro ng NPA, patay nang makasagupa ang mga pulis at sundalo sa Batangas - Blog News Information

A News Website in the Philippines that gives Reliable Information and Latest Topics About Politics, Entertainment, News, Showbiz and other Trending Topics.

Tuesday, November 28, 2017

BREAKING NEWS | 14 na hinihinalang miyembro ng NPA, patay nang makasagupa ang mga pulis at sundalo sa Batangas



Patay ang 14 na hinihinalang miyembro ng New People’s Army matapos makaengkwentro ng mga pulis at sundalo sa Nasugbu, Batangas bandang alas otso y media kagabi.
Ayon sa Batangas Provincial Police, isang jeep at isang closed van ang ‘di huminto sa checkpoint ng mga otoridad.
Dito na hinabol ng mga pulis at sundalo ang dalawang sasakyan.




IA NEWS5’S JEN CALIMON | Exclusive video ng encounter site matapos ang bakbakan ng mga hinihinalang NPA at mga pulis at sundalo sa Batangas.

Pagdating sa Barangay Aga, nagpaputok umano ng baril ang mga rebelde kaya gumanti ang mga otoridad. Patay sa unang engkuwentro ang limang hinihinalang miyembro ng NPA na sakay ng jeep.



Ang closed van naman ng mga hinihinalang rebelde, nakalayo pa ng dalawang kilometro bago napahinto.

Siyam na sakay nito ang patay matapos ding makipagbarilan sa mga otoridad.



Dalawa pang hinihinalang NPA at dalawang sundalo naman ang sugatan sa insidente.

Naka-recover ang mga otoridad ng iba’t ibang kalibre ng mga armas, mga magasin at granada mula sa mga suspek.

Nangyari ang engkuwentro halos isang linggo mula nang pormal na kanselahin ni President Rodrigo Duterte ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF.

Source: News5


No comments:

Post a Comment