WATCH | Lacson, Inakusahan Ang DU30 Gov't! "Nagtatanim Ng Ebidensya" - Blog News Information

A News Website in the Philippines that gives Reliable Information and Latest Topics About Politics, Entertainment, News, Showbiz and other Trending Topics.

Monday, October 30, 2017

WATCH | Lacson, Inakusahan Ang DU30 Gov't! "Nagtatanim Ng Ebidensya"




Kalokohan!

Ganito inilarawan nito Sen. Panfilo Lacson ang pagkaka-ugnay nila Liberal Party members Sen. Frank Drilon at Mar Roxas sa iligal na droga. Matatandaang nag sumite ng affidavit ang top drug lord ng Negros Occidental na si Ricky Serenio at iniugnay sina Drilon at Roxas sa kalakaran ng droga sa rehiyon. Ayon kay Lacson, paraan daw ito ng Duterte Administration para i-divert ang mga problemang kinahaharap ng gobyerno.
"Kalokohan at gawa-gawa lang ito ng administrasyon para ilihis ang usapin sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan nito tulad ng BOC 6.5 billion pesos na shabu smuggling at ang araw araw na patayan dala ng tiwali at abusadong PNP. Nagtatanim o gumagawa ng ebidensya para idiin ang mga katunggali at dinodoktor ang ebidensya para makalaya at makalusot ang mga kakampi." sabi ni Lacson.






Ilang buwan lang ang nakaraan ay nagkaroon ng iringan si Lacson at ang tauhan ni President Duterte na si dating Bureau of Commission Chief Nicanor Faeldon. Inakusahan ni Lacson si Faeldon na korap. Bumewelta naman si Faeldon at ibinunyag ang pagkaka sangkot diumano ng anak ni Lacson sa cement smuggling sa BOC. Iniimbistagahan na raw ito ng BOC, ngunit inunahan daw silang akusahan ni Lacson dahil nalalapit na raw matapos ang imbestigasyon sa anak ni Lacson.

Si Lacson ay naghayag ng pag-suporta kay Roxas noong 2016 Presidential election. Itinalaga rin siyang Rehabilitation Czar ni ex-President Noynoy Aquino noong matapos manalasa ang bagyong Yolanda sa Leyte.
Ano ang masasabi niyo sa pahayag ni Lacson laban sa Duterte Administration?



Source: www.citizenexpress.today
                             www.youtube.com

No comments:

Post a Comment