Inaprubahan at nakitaan ng Senate Ethics Committee na ‘sufficient in form and substance’ ang isinampang reklamo ni Senator Richard Gordon laban kay Senator Antonio Trillanes IV.
Samantala, tinanggal naman ng komite ang ‘fifth ground’ ng nasabing reklamong kung saan nakasaad ang dalawang kudeta na sinalihan ni Trillanes.
Ayon kay Senator Franklin Drilon, kaya ito tinanggal dahil ang unang kudeta na kabilang si Trillanes ay noong 2003 pa nangyari bago pa siya maging senador. Ang ikalawang kudeta naman na naganap noong 2007 ay naabswelto na dahil sa amnestiya. Kaya naman napagdesisyunan na tanggalin ang parting ito sa reklamo ni Gordon.
Matatandaang noong Setyembre 5, nagsampa ng ethics complaint si Gordon laban kay Trillanes. Ayon sa 23-pahinang complaint ni Gordon, wala itong kinalaman sa pulitika, “party lines, political alliances or color”. Tungkol daw ito sa patuloy na magaspang na pag-uugali ni Sen. Trilanes na dapat daw resolbahin na ng Senado.
Ginagamit na raw ni Trillanes ang Senado na forum para sa kanyang agenda laban sa kanyang mga kaaway.
“He just keeps on doing the same thing. A man like that doesn’t belong in a Senate of august men and gentlemen. You do not do that to the chairman. You do not do that to your fellow senators and say that they are a bunch of puppets,” sabi ni Gordon.
Samantala, bibigyan ng 10 araw si Trillanes para sagutin ang nasabing reklamo. Pagkatapos ay bibigyan naman ulit ng limang araw si Gordon para sumagot ulit sa isasagot ni Trillanes. Matapos nito, duon palang magdedisisyon ang komite kung magkakaroon ba ng trial.
Kapag naman napatunayang guilty sa reklamong “unparliamentary conduct” si Trillanes, mahaharap siya sa 60 araw na suspensiyon o ‘di kaya’y pagkakatanggal.
Source: news.tv5.com.ph
No comments:
Post a Comment